Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, nakiusap na iwasan ang espekulasyon sa Mamasapano incident

$
0
0

FILE PHOTO:  PNP-OIC Chief Director General Leonardo Espina with DILG Sec. Mar Roxas  (UNTV News)

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 307 ang nakuhanan ng pahayag ng Board of Inquiry (BOI) hinggil sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Police Director Benjamin Magalong, pinuno ng BOI, pinagsusumite na rin nila ng affidavit si suspended PNP chief Director General Alan Purisima.

Kaugnay nito, nakiusap ang pamunuan ng Philippine National Police na iwasan muna ang mga espekulasyon hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Ito ay upang maiwasan ang kalituhan na maaring humantong sa magkasalungat na pahayag ng AFP at PNP hinggil sa isyu ng koordinasyon sa isinagawang “Oplan Exodus” upang hulihin ang international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan noong Enero 25.

Ayon kay PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina, kapag natapos na ang imbestigasyon ay tiyak na masasagot ang lahat ng mga katanungan.

Sinabi pa ni Espina na hindi magandang pakinggan na tila pinag-aaway ang PNP at AFP, at lumalabas na nagsisisihan dahil sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng SAF.

Iginiit rin nito na hindi masisira ang relasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Pambansang Pulisya dahil lamang sa Mamasapano clash.

“Our relationship with the Armed Forces of the Philippines remains to be very very strong and both organizations will continue to serve the people as we are mandated to do and as we are expected to do,” ani Espina.

Samantala, nilinaw ni Espina na hindi loyalty check ang pagpapatawag sa mga matataas na opisyal ng PNP, kundi upang ipabatid na matatag pa rin ang organisasyon kahit nagdadalamhati sa pagkamatay ng SAF 44.

“Alam nyo sa PNP, hindi nyo na kailangan ng loyalty check because we are all loyal. Nagkaroon ng insidente pero we have to move forward, we have to move on for the sake of the people. Hindi namin pwedeng kaladkarin yung painful past namin.”

“Medyo tali (ako sa pagkilos at sa decision-making) because I cannot designate, OIC pwede pero yung normal promotions, hindi pwede, yung discretionary ay hindi pwede.” saad pa ni Espina ukol sa kanyang status na pagiging OIC PNP Chief lamang. (Lea Ylagan, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481