MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang Malakanyang na umiwas muna ang sinoman sa paggawa ng anumang konklusyon kaugnay ng mga testimonya ng ilang resource person sa mga pagdinig sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ukol sa January 25 Mamasapano operation.
Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr. sa kasalukuyan ay wala pa namang nabubuong mga salaysay at wala pa namang nailalabas na ulat o conclusion sa mga mismong mga nagsisiyasat sa naturang pangyayari.
Kaugnay nito, nilinaw ng Malakanyang na hindi naman umiiwas ang Pangulo sa anumang pananagutan bilang Commander In Chief ng AFP at bilang ama ng bayan.
Pinabulaanan rin ng Malakanyang na hindi pinagtatakpan ng mga miyembro ng gabinete at ilang opisyal si Pangulong Aquino sa usapin ng Mamasapano operation. (UNTV News)