Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 pasaherong nakasabay ng Filipina nurse sa eroplano na nagpositibo sa MERS-CoV, mino-monitor ng DOH Region 7

$
0
0

FILE PHOTO: Thermal scanner (UNTV News)

CEBU, Philippines — Tinututukan ngayon ng Department of Health Region 7 ang dalawang pasahero na nandito na sa Cebu Province na nakasabay sa flight ng Pinay nurse na mula sa Middle East na nagkasakit ng MERS-CoV.

Ang isang 29 na taong gulang na babaeng nurse na nagtatrabaho sa Saudi ang naka-home quarantine na ngayon sa lalawigan ng Cebu.

Bagamat nag-negatibo na ito sa MERS-CoV, hindi pa rin ito pinahihintulutan ng DOH 7 na lumabas sa kanyang bahay hanggang sa February 15.

Pahayag ni Regional Epidemiology and Surveillance Unit Seven (RESU 7) Chief Dr. Dino Caing, “Asymptomatic man siya, wala man siyang symptoms of MERS-CoV which is, usually, fever, cough, sore throat — wala man. So precautionary measure lang siya, preventive measure lang siya sa Department of Health.”

Hindi rin pinapayagan na lumabas ng bahay ang mga kasangbahay ng Filipina nurse .
Samantala ang isang Italian male tourist na 59 years old naman ay hindi na ma-contact ng DOH 7 sa ngayon.

At patuloy pa rin na pinaghahanap ang location nito.

Dagdag pa ni Dr. Caing, nakikipag-ugnayan na ang DOH 7 sa Bureau of Immigration upang mahanap ang naturang turista.

“Most likely he’s out of coverage, he’s a tourist. So, we are seeking the help now of the Bureau of Immigration and the Bureau of Quarantine to locate this second PUI o patient under investigation .”

Ayon sa DOH 7 na walang dapat na ikabahala ang publiko dahil nananatiling MERS-CoV free ang Cebu.

Palala lang ng DOH sa publiko ang personal hygiene, healthy lifestyle at pag-ehersisyo upang hindi madapuan ng nakamamatay na virus. (NAOMI SORIANOSOS / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481