
(Left-Right) Best Players of the Game: Malacañang Patriots #22 Andro Reques (21 points, 4 rebounds) and Judiciary Magis #15 Ariel Capus with 22 points, 22 rebounds and 2 assists. (Madz Milana / Rey Vercide / Photoville International)
MANILA, Philippines – Matapos makalasap ng unang talo noong nakaraang Linggo (Feb08), ibinuhos ng Malacañang Patriots ang ngitngit sa MMDA Black Wolves, 84-68, sa harap ng napakaraming manonood sa Ynares Sports Arena sa Pasig nitong Linggo ng hapon, February 15, 2015.
Ginamit ng Patriots ang matinding depensa at opensa kontra sa Black Wolves upang maitala ang ika-limang panalo sa anim na laro sa Group A, at lalo pang mapalakas ang paghahangad nito na makapasok sa semifinal round.
Pinangunahan ni Andro Requez ang opensa ng Malacañang sa pamamagitan ng 21 points, 5 rebounds at 2 steals.
Sa pagkatalo, lalo pang nabaon ang MMDA sa record na, 2-4, panalo-talo.
“Stamina ang binigay sa amin ni Coach Jenkins kaya maganda naman ang naging resulta sa namin,” pahayag ni Andro Requez, Forward, Malacañang Patriots.
Samantala, patuloy naman ang pananalasa ng Judiciary sa Group B matapos na tambakan ang BFP Firefighters, 104-81.
Bumida si Ariel Capus sa Judiciary na kumamada ng 22 points, 22 rebounds, 2
assits at 3 steals.
Solo lider pa rin ang season 1 champion sa taglay nitong 6-1 record, habang natikman naman ng Firefighters ang ikaanim na pagkatalo sa pitong laro.
“Sabi ng coaching staff kailangan naming manalo ngayon dahil next week kalaban namin Malacañang, sabi niya mas maganda may winning momentum kami,” ani Capus.
Nasungkit naman ng Senate Defenders ang ikalawang sunod na panalo nito matapos talunin ang DOJ Boosters, 81-75.
Dinomina ni center Marlon Legaspi ang laro sa pamamagitan ng 30 points, 13 rebounds at 2 steals.
Umangat ang kartada ng koponan ni Kenneth Duremdes sa 4-2, habang nalasap ng bataan ni Coach Arturo Valenzona ang ikalimang talo sa pitong laro.
“Unang-una sa defense namin kasi sa opensa medyo wala naman kaming problema ginagawa pa din namin kung saan kami malakas sa baba mga big man namin,” ani Legaspi. (JP Ramirez / UNTV News)