UNTV GEOWEATHER CENTER (02/18/15) – Apektado ng Tail-end of a cold front ang Eastern Section ng Hilagang Luzon.
Ayon sa forecast ng PAGASA, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ng Cagayan Valley habang ang Metro Manila at mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Central Luzon ay mararanasan din ang light rains.
Sa iba pang lugar sa Luzon, ang Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at thunderstorms o biglaang mga pag-ulan.
Hindi gaanong matataas ang mga pag-alon sa baybayin ng bansa kaya’t maaaring maglayag ang mga sasakayang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.19AM
SUNSET – 6.01PM