UNTV GEOWEATHER CENTER ( 02/19/15 ) – Mas malakas ngayon ang paramdam ng Amihan kaya’t naglabas ng gale warning ang PAGASA.
Ayon sa weather agency, matataas ang mga pag-alon sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern coast n Cagayan at ng Ilocos Norte kaya’y delikado na pum
alaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Sa forecast ng PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Aurora at Quezon habang sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay magkakaroon din ng biglaang pagulan o thunderstorms. (Rey Pelayo / UNTV NEWS)
SUNRISE – 6.19AM
SUNSET – 6.02PM