Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bicol at Eastern Visayas, Makararanas ng Pag-ulan

$
0
0

UNTV GEOWEATHER CENTER (02/20/15) – Apektado pa rin ng buntot ng cold front ang Silangang bahagi ng Southern Luzon.

Sa forecast ng PAGASA, mararanasan  ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa mga lugar ng Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa Cagayan Valley, Cordillera at probinsya ng Aurora ay mararanasan naman ng light rains habang sa Ilocos Region at natitirang bahagi ng Central Luzon ay mararanasan ang papulo-pulong mahinang pag-ulan.

Ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at makararanas ng papulo pulong pag-ulan at thunderstorms.

Delikado na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa seaboards ng Norther Luzon at eastern seaboards ng Luzon at Visayas. (Rey Pelayo / UNTV News)

SUNRISE – 6.18 a.m.

SUNSET – 6.02 p.m.

pagasa2


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481