Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOJ, pupunta sa Mamasapano, Maguindanao sa Feb. 26

$
0
0

Department of Justice Sec. Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nakatakdang magtungo sa Mamasapano, Maguindanao ang special National Prosecution Service at National Bureau of Investigation (NBI) special investigative team ng Department of Justice (DOJ) sa February 26 upang i-validate ang mga nakalap na sworn statements ng Board of Inquiry (BOI) tungkol sa Mamasapano clash.

Ang Department of Justice ay nagsasagawa rin ng evidence gathering para sa kanilang case build up laban sa mga nasa likod ng madugong insidente.

“Lahat ng imbestigasyon na ito lalo na ng Board of Inquiry and even iyong mga congressional hearings, and even iyong sa CHR and sa panig din ng MILF may sarili silang imbestigasyon, at the end of the day sa amin pa rin po iyan babagsak,” pahayag ni De Lima.

Hawak na rin ng DOJ ang mga affidavit at sworn statement mula sa Board of Inquiry.

Samantala, sinabi ni Secretary De Lima na aalamin niya kung totoo ang pahayag ni Vice Chairman Ghazali Jaafar na hindi nila isusuko ang kanilang mga tauhan dahil ang PNP-SAF ang may kasalanan sa naganap na engkwentro.

“Hindi ko pa nakikita iyon, I need to check that kaya nga tayo nagkakaroon ng imbestigasyon, at ang imbestigasyon naman talaga kailangang maging fair, balance, objective and of course thorough,” saad pa nito.

Sa kanilang ginagawang imbestigasyon, nakikiusap din si se De Lima na sana’y makipagtulungan ang MILF sa pagtugis kay Basit Usman.

Binigyang diin ni De Lima na kinakailangang matapos na ang imbestigasyon at mapanagot na ang mga may sala, kung sa panig ba ng MILF, BIFF o sa PNP-SAF nagkaroon ng pagkakamali sa operasyon. (Aiko Miguel / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481