MANILA, Philippines – Nanawagan sa pamahalaan ang tagapagsalita ng Sultanate of Sulu na konsultahin ang mga stakeholder bago ipasa ang proposed Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Abraham Idjirani, hindi sila tutol sa pagpasa ng panukalang BBL subalit nais lang nilang matiyak na ang kanilang mga karapatan ay hindi maiisantabi sa peace talks.
“As far as the Sultanate of Sulu is concern, there was no consultation conducted with the Sultanate of Sulu even consultation with the different stakeholders in Sulu archipelago that complies Basilan, Sulu and Tawi-Tawi,” pahayag nito.
“Ang nangyayari po ngayon we can say that there is no genuine integration process of the tri-people the Muslim, the Christian and the Lumads without their contributions to development of peace mahirap nating ma-achieve ang tinatawag na lasting peace in Mindanao and Sulu,” dagdag pa ni Idjirani.
Samantala, tiniyak naman ni Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon, miyembro ng kumiteng tumatalakay sa BBL na ang hinaing ng Sultanate of Sulu ay makakarating sa kongreso.
Sang-ayon din ito na dapat konsultahin ang lahat ng mga stakeholders sa Mindanao.
“Our Moro brothers and sisters are not want to see a watered down bill for a Moro homeland,” saad ni Ridon.
Sa ngayon ay suspendido pa ang pagtalakay ng lower house sa BBL dahil sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Ipagpapatuloy ang pagdinig sa oras na matanggap ng kumite ang pinal na report ng Board of Inquiry ng Philippine National Police. (Grace Casin / UNTV News)