MANILA, Philippines – Umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog sa isang warehouse sa Dagupan Street, PNR Compound, Tondo, Maynila nitong umaga ng Biyernes.
Mabilis na naabo ang mga nakaimbak na mga produkto gaya ng tela, plastic at mga papel na ibinebenta sa Tutuban at Divisoria Mall.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng ang naiwang nakasaksak na appliance ang sanhi ng apoy.
Batay sa salaysay ng mga trabahador, may nakasaksak na wireless phone sa ikalawang palapag ng gusali.
“May fire safety equipment meron sila may fire extinguisher sila kaso hindi na nakayanan sa lakas ng apoy useless na yung mga suppressor equipment kaya kailangan nating rumespond,” pahayag ni Fire Chief Insp. Crispo Diaz, Deputy Fire Marshal ng BFP-Manila.
Tinatayang aabot sa dalawag milyong piso ang kabuoang halaga ng naabong ari-arian. (Benedict Galazan / UNTV News)