Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Apple Inc., idinemanda dahil sa umano’y pamimirata ng engineers

$
0
0
Apple CEO Tim Cook speaks during a presentation at Apple headquarters in Cupertino, California October 16, 2014. CREDIT: REUTERS/ROBERT GALBRAITH

FILE PHOTO: Apple CEO Tim Cook speaks during a presentation at Apple headquarters in Cupertino, California October 16, 2014. CREDIT: REUTERS/ROBERT GALBRAITH

Idinemanda ng electric-car battery maker na A123 Systems ang Apple Incorporated dahil sa umano’y pamimirata sa mga top engineers nito.

Batay sa court ruling, hinihinalang nagde-develop ng car manufacturing division ang iPhone company kaya’t kinukuha nito ang magagaling nilang engineers.

Napag-alaman na kinuha ng Apple Incorporated ang ilang inhinyero sa Tesla Motors Incorporated at nakikipag-ugnayan na rin umano sa ilang car industry experts at automakers upang bumuo ng sarili nitong electric car.

Wala pang opisyal na komento ang magkabilang panig kaugnay sa isyu.

Hindi pa rin sumasagot ang Apple sa inihaing reklamo ng kumpanyang A123, maging ang limang top engineers ng battery company na umano’y pinirata. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481