Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PAO, bumuo ng special team para sa mga kasong isasampa ng mga kaanak ng SAF 44

$
0
0

Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Public Attorney’s Office (PAO) para sa mas malalaki pang kaso na posibleng idulog o ipahawak sa ahensya, kabilang na dito ang pagkamatay ng mga tauhan ng Special Action Force ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ayon kay PAO Chief Percida Acosta, may mga kaaanak ng SAF 44 ang lumapit sa kanila. Ayaw umano ng mga pamilya ng SAF44 na ma-white wash ang kaso kaya’t idinulog na ito sa kanilang tanggapan.

Sinabi rin ni Acosta na kasama sa kanilang obligasyon ang ipagtanggol ang mga tauhan ng PNP hanggang sa ranggong SPO4.

Ayon kay Acosta, “Lalo po ito ay mababang ranggo ang namatay, so base po sa directive ng Department of Justice noon ay tutugunan at di po kami pwedeng tumanggi.”

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng PAO ang resulta ng imbestigasyon ng kongreso at Board of Inquiry bago gumawa ng hakbang.

“Ang isang abugado ay para ding military yan. Bago ka sumugod sa korte meron kang strategies, may legal basis, alam mo kung sino kakasuhan mo, hindi basta kaso ng kaso,” anang PAO Chief.

Sa ngayon ay bumuo na ng special public attorneys team ang ahensya na hahawak sa mga malalaking kaso na may kinalaman sa national security at interest ng bansa.

Ayon sa PAO, sa ngayon ay doble kayod ang kanilang mga abogado dahil malaki pa ang kakulangan sa kanilang bilang upang tugunan ang mga kasong idinudulog sa kanila.

“Ayon po sa batas dapat kung ilan ang korte dapat ang dami namin. Kung 3K po ang korte sa buong kapuloan, dapat tatlong libo rin kami. Ngayon po 1,536 lang kami. Kaya po ang ating PAO ay naa-assign sa 203 korte,” saad pa ni Acosta. (Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481