Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dismissal ni ex-PMA Cadet Aldrin Cudia, pinagtibay ng Korte Suprema

$
0
0

(Left-Right) Supreme Court Spokesperson Theodore Te at PMA Cadet Aldrin Jeff Cudia (UNTV News)

MANILA, Philippines – Noong nakaraang taon, dinismiss ng PMA Honor Committee Cadet Aldrin Jeff Cudia dahil sa umano’y pagsisinungaling matapos itong ma-late ng dalawang minuto sa klase.

Sa Supreme Court en banc session ngayong Martes, hindi pinagbigyan ng Katastaasang Hukuman ang petition for certiorari, prohibition and mandamus with application for extremely urgent temporary restraining order na inihain ng pamilya Cudia hinggil sa kaso ng kadete.

Nais ni Cudia na mapabilang sa listahan ng graduates ng PMA Siklab Diwa Class 2014 at mabigyan ng diploma, parangal at iba pang benepisyong ibinibigay sa mga nagtatapos na kadete.

Subalit paliwanag ng kataas-taasang hukuman, bawat military institution ay may sariling honor code na dapat respetuhin.

“The court agreed that the petitioner is not deprived of due process rights simply because he joined the PMA and that the PMA must comply with due process. The court found that the PMA did not violate petitioner’s due process rights when it enforced its rules on discipline, consisting of its honor code, on petitioner for lying,” pahayag ni Supreme Court Public Information Chief Atty. Theodore Te.

“By reason of their special knowledge and expertise gained from the handling of specific matters falling under their respective jurisdictions, the factual findings of administrative tribunals are ordinarily accorded respect if not finality by the court… in this case, the court found no reason to deviate from the findings of the PMA,” dagdag nito.

Ayon pa sa tagapagsalita ng Korte Suprema, ang kaso ni Cudia ay “one of first impression.” Ibig sabihin, ito ang unang pagkakataon na naglabas ng ruling ang Korte Suprema hinggil sa honor system at honor code ng isang institusyon, partikular ang PMA.

Una nang sinabi ng Office of the Solicitor General na balewala na ang anumang petisyong isasampa ng pamilya Cudia sa Korte Suprema.

Gayunpaman, ikinatwiran ni Cudia na tanging ang physical participation nito sa PMA graduation ang naging moot and academic, at hindi ang merito ng kanyang kaso.

Magugunitang Hulyo 4, 2014 nang pagtibayin mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang dismissal ni Cudia, at sinabing walang sapat na batayan para baligtarin ang naunang desisyon ng PMA Cadet Review Appeals Board.

Samantala, pag-aaralan pa ng Public Attorney’s Office (PAO), legal counsel ng pamilya Cudia, kung maghahain ito ng motion for reconsideration sa naging desisyon ng Korte Suprema. (Bianca Dava / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481