Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Isa pang Fil-Am designer, gumagawa ng pangalan sa US fashion industry

$
0
0

Filipino-American Fashion Designer Kirsten Regalado (UNTV News)

MIAMI, Florida – Isang Filipino-American ang nagsisimula nang makilala bilang fashion designer ng mga celebrity sa Amerika.

Si Kirsten Regalado ay kabilang sa mga Pilipino na mas pinili ang hilig sa fashion design kaysa magtrabaho bilang isang nurse sa Florida.

Kwento nito, “I love to travel, I don’t want to work in a stagnant place. So, mas interesting kasi na mas magpaganda, mag-design ka ng damit, you travel on the world. You learn their culture, and then, parang mas gusto ko na magtrabaho sa world of fashion kesa sa hospital kahit nung maliit pa ako.”

Bukod sa mga Miss Universe candidates na sina Miss Mauritius at Miss Australia na nagsuot ng kanyang designed gowns sa nakaraang Miss Universe pageant sa Miami, ilan din sa mga sikat na personalidad na piniling isuot ang mga disenyong damit ni Kirsten.

“Nakagawa na ako don, yung family ni Oberto Gucci, si Estafania at si Druccila. Druccila siya yung unica ija ni Gucci. Nakagawa na din ako ng shirt ni Jayson Taylor nasa ano na sya sa NFL,” saad pa nito.

Mas pinili ni Kirsten ang Florida kumpara sa France at New York na kilalang fashion capitals of the world.

Aniya, “Priority ko pa din being a fashion designer is my family. Nandito ang husband ko si Larry at ang son ko si Michael John.

Payo ni Kirsten na sundin kung ano ang gusto at nasa puso, at kung ano ang makapagpapaligaya upang makamit ang minimithi sa buhay.

“Follow your passion, sundin nyo yung kung ano yung nagustuhan nyo. Kung ano yung sa puso mo, whatever that makes you happy go for it. I believe na pag nandiyan na yung talent, so go for it.”

Si Kirsten ay isang halimbawa na ang galing ng mga Pilipino ay maipagmamalaki saan man sa mundo. (RJ Alavazo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481