Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

House arrest kay Sen. Juan Ponce Enrile, itinutulak ng House minority

$
0
0

FILE PHOTO: Senator Juan Ponce Enrile (UNTV News)

QUEZON CITY,  Philippines — Nanawagan na sa Sandiganbayan ang dalawang leader ng minority group sa mababang kapulungan ng kongreso na pagbigyan ang hiling na i-house arrest na lamang ang senador.

Sa resolusyon na akda ni house minority leader Ronaldo Zamora at Isabela Rep. Rodolfo Albano, sinasabi nitong sa edad ng senador na 91-anyos at sa kasalukuyang karamdaman dapat itong mabigyan ng sapat na atensyong medical.

Ang resolusyon ay nakatakda nilang ihain sa Lunes.

Mula sa Pnp General Hospital sa Camp Crame sinugod si Enrile sa Makati Medical Center kahapon ng alas-3 ng madaling araw dahil sa sakit sa pneumonia.

Nakasaad rin sa resolusyon na mismong si PNP Health Service Spokesperson Chief Inspector Raymond Ramos ay nagsabing hindi sapat ang pasilidad ng Pnp General Hospital upang matugunan ang medical na pangangailangan ng senador.

Si Enrile ay nakulong kasama nina Senator Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr dahil sa kasong plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam.
Ipinauubaya na lamang ng malakanyang sa hukuman ang pagdedesisyon.

“Ang pagkakaloob ng ganyang estado ay nasa pagpapasya ng hukuman at reresponde ang panig ng pamahalaan kapag nagkaroon ng kaukulang kahilingan,” saad ni Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481