Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Nasa 4.7 milyong botante wala pang biometrics — Commission On Elections

$
0
0

FILE PHOTO: Isang botanteng nagpapa-biometric registration sa isang COMELEC office (UNTV News)

MANILA,Philippines – “No Bio, No Boto” ang kampanya ng Comelec para sa darating na 2016 elections.  Ibig sabihin, kung hindi nakapagpa biometrics hindi makakaboto.

Sa ilalim ng Republic Act 10367 o ang Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, nakasaad na kailangang may  biometrics  ang mga botante; at kung wala, tatangalin ito sa voter’s list.

“Yung list of voters will be generated only for those with biometrics. Yung programa natin na nag ge-generate ng printout mayroon siyang filter. Ika nga, kung walang biometrics hindi ipiprint, ” saad ni Comelec spokesman James Jimenez.

Upang mas masigurong tanging ang mga may biometric ang makakaboto sa 2016, gagamitin ng Comelec ang voter verification system.

“In a small pilot area mayroon pa tayong additional na measure yung onsite verification ibig sabihin doon mismo mag-check ng biometrics just to see kung nasa listahan o wala. Karagdagang measure lang yun,” dagdag ni Jimenez

23,000 VVS units ang gamitin ng komisyon sa darating na presidential elections. Sa march 10 itinakda ng Comelec ang submission of bid para sa mga interesadong supplier. 727 million pesos ang inilaang pondo para sa lease ng mga VVS machines.

Paalala ng Comelec, bagamat hanggang sa Oktubre pa sa taong ito tatagal ang pagpapa- biometrics ng mga botante mas mainam na magtungo na sa mga local Comelec offices hangga’t maaga upang hindi ma-delist.

“Ang bulk ng problem remains NCR, Region 3 and Region 4A. So mostly kita mo to mga professionals to, so baka talagang kulang sa panahon,” pahayag ni Jimenez.

Sa paglilibot ng UNTV News team ilan sa kanilang nakapanayam ay walang ideya na kailangan palang magpa biometrics para makaboto sa susunod na taon.

“Hindi ko nga rin alam kung ano yun, dahil basta pag bumuboto ako kasi nandoon lagi yung pangalan ko sa presinto kaya hindi ko rin nagpapa biometrics,” ang pahayag ng botanteng si Benjie Sale.

Nanindigan ang  Comelec na puspusan ang kanilang ginagawang kampanya at information drive upang maipaalam sa publiko ang no bio no boto policy nito. (Victor Cosare / UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481