Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, todo-bantay sa pagdalaw ni Revilla sa anak sa ospital

$
0
0

FILE IMAGE: Si Vice Gov. Jolo Revilla kasama ang kanyang mga magulang na sina Congresswoman Lani Mercado Revilla, Senator Bong Revilla at si Cavite Governor Jonvic Remulla sa isang pagharap sa media.  (UNTV News)

MANILA, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang kautusan ng Sandiganbayan sa pagdalaw ni Sen. Bong Revilla sa kanyang anak na si Cavite Vic Gov. Jolo Revilla sa Asian Hospital & Medical Center.

Ayon kay PNP Public Information Office head Chief Superintendent Generoso R. Cerbo Jr., alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi lamang ang oras na ibinigay ng korte sa senador upang madalaw ang anak sa ospital.

Hindi rin papayagang mag-side trip kung sakaling hilingin ito ng senador dahil tiyak na mananagot ang mga pulis na bantay nito.

“If he bought to other places other than don sa na-mention ng Sandiganbayan obviously bawal yun at pag ginawa ng personnel natin yun obviously we will investigate them and they will be charge accordingly,” ani Cerbo.

Sinabi pa ng heneral na kasama sa convoy ni Revilla ang mga personnel mula sa iba’t ibang unit ng PNP.

Kabilang sa mga ito ang mga tauhan ng Headquarters Support Service, Muntinlupa City Police, Public Safety Battalion galing sa NCRPO, Highway Patrol Group at ambulansya.

“There is a personnel from the health service for any medical emergency,” saad pa ni Cerbo.

Bukod sa oras ng dalaw, kasama rin sa mahigpit na babantayan ng PNP ang paggamit ng gadget ng senador at maging ang pagpapa-interview sa media.

Ngayong muling lalabas sa Custodial Center si Sen. Bong Revilla, tiniyak ng PNP na hindi na mauulit na nalusutan ang mga pulis nang makadalo ang senador sa isang salu-salo sa kaarawan ni Sen. Juan Ponce Enrile noong Pebrero 14. (Lea Ylagan / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481