Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Krimen sa Metro Manila, bumaba ng 50% mula Dec. 2013–June 2014

$
0
0

PNP PIO Chief Generoso Cerbo (UNTV News)

MANILA, Philippines – Bumaba ng limampung porsiyento ang krimen sa Metro Manila sa loob ng siyam na buwan simula nang ipatupad ang Oplan Lambat Sibat ng Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP, mula 919 na kaso ng robbery at theft noong Disyembre 2013 hanggang Hunyo 2014 ay nasa 442 na lamang ito simula nang ipatupad ang Oplan Lambat Sibat siyam na buwan na ang nakararaan.

Habang 39 na kaso ng carnapping naman na naitala mula Pebrero 23 hanggang Marso 1 ay bumaba naman sa walo.

Ayon kay PNP Public Information Office head Police Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang Oplan Lambat Sibat ay may dalawang aspeto, una ay ang “lambat” na kinabibilangan ng checkpoint, police visibility, Oplan Bakal, Oplan Galugad at Oplan Katok.

“It is more on preventive na kampanya sa pamamagitan ng paglo-launch ng operation, patrol at police interventions,” saad nito.

Habang ang “sibat” naman ay paghabol at paghuli sa mga wanted criminals at miyembro ng mga gang, kung saan nakaaresto na ang PNP ng 39 wanted person at 7 miyembro ng criminal gang sa loob lamang ng dalawang linggong operasyon.

“Kinikilala po natin dito kung sino po ang mga notorious wanted person at mga miyembro ng criminal gangs na responsable sa crime incidents sa Metro Manila,” saad pa ni Cerbo.

Idinagdag pa ng heneral na ang Oplan Lambat Sibat ay pinagtutulong-tulungan ng mga kawani ng PNP upang mapigilan at mapababa ang krimen sa bansa.

Paliwanag pa ni Cerbo, sa bawat crime statistics report ay mayroong independent body na nagbe-verify upang malaman kung hindi dinaya ang report.

At kung may istasyon aniyang mataas ang bilang ng krimen, ito ang kanilang pinagtutuunan ng pansin.

(Lea Ylagan / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481