MANILA, Philippines — Muling nagpakalat ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng kanilang mga tauhan para paigtingin ang pagpapatupad ng bus segregation scheme sa EDSA.
Ito’y kasunod ng puna ukol sa umano’y hindi pagsunod ng maraming driver sa programa na nagtatakda ng lugar kung saan sila maaaring magsakay at magbaba ng mga pasahero depende sa bus stop.
Layon ng programa na mabawasan ng hanggang apatnapung porsyento ng trapiko sa Metro Manila, partikular sa kahabaan ng Edsa.
Aminado naman si MMDA Chairman Francis Tolentino na marami pa ring tsuper ang sumusuway sa bus segregation scheme bagama’t patuloy silang gumagawa ng mga paraan upang ito’y maipatupad. (UNTV News)