MANILA, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga bakasyunista na iwasan ang pagdadala ng armas o ammunition sa kanilang mga bagahe.
Ito ay matapos makatanggap ang ahensya ng ulat na inaresto kamakailan ng Singapore Airport Police ang isang Pilipino dahil sa pagdadala ng ammunition.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga Filipino traveler na ang pagdadala ng armas at ammunition ay niri-regulate sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Maaresto ang sinumang lalabag sa mga batas ukol dito. Magreresulta ito sa delay sa kanilang biyahe at posibleng criminal prosecution. (UNTV News)