Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sandiganbayan humihiling ng medical bulletin sa MMC sa kundisyon ni Enrile

$
0
0

FILE PHOTO: Si Senator Juan Ponce Enrile sa isa sa mga medical check up nito. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Humihingi ang Sandiganbayan 3rd Division ng medical bulletin mula sa Makati Medical Center (MMC) kaugnay ng kasalukuyang kundisyon ni Senator Juan Ponce Enrile na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam.

Batay sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan, binibigyan ng limang araw o hanggang Biyernes ang MMC upang isumite ang medical bulletin ni Enrile.

Ayon sa clerk of court ng Sandiganbayan 3rd Division na si Atty. Dennis Pulma, ang naturang kautusan ay bunsod ng isinumiteng notice ng PNP General Hospital (PNPGH) sa ginawang paglilipat sa senador.

Batay sa medical report na isinumite ng director ng PNPGH sa anti-graft court, sinabi nitong naging mas maselan ang kundisyon ni Enrile kaya’t napilitan silang ilipat ito sa Makati Medical Center noong February 27 dahil sa sakit na pneumonia.

Ilang opisyal ng implementing agencies na sangkot sa PDAF scam,ipinasususpinde ng Sandiganbayan

Samantala, ipinasusupindi na rin ng Sandiganbayan 3rd Division ang ilang kapwa akusado nila Sen. Enrile sa PDAF scam.

Kabilang sa mga isasailalim sa preventive suspension sina Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos, at tatlo pang DBM officials, isang accountant mula sa Technology Resource Center at apat na opisyal mula sa National Livelihood and Development Corporation.

Ang pagsususpindi sa mga ito ay upang hindi magamit ng mga akusado ang kanilang pusisyon upang maimpluwensyahan ang mga ebidensya o testigo na maaaring magamit sa kanilang kaso sa Sandiganbayan. (Joyce Balancio/ UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481