Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP nakahanda sa reaksyon ng publiko sa Mamasapano report

$
0
0

PNP Officer-in-Charge Deputy Director General Leonardo Espina (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tinataya na ng Philippine National Police (PNP) na hindi lahat ay makukuntento sa magiging resulta ng imbestigasyon ng Board of Inquiry (BOI) hinggil sa Mamasapano operations na ikinamatay ng 44 na SAF commandos noong Enero 25.

Ito’y dahil kabikabilang puna na ang inabot nito mula sa ilang militanteng grupo dahil sa tatlong ulit na paghingi ng extension ng BOI.

Noong katapusan sana ng Pebrero ang napagkasunduang schedule ng pagpapasa ng report ngunit na-reschedule ito ng March 6, muling na-reschedule noong Lunes, March 9 at muling ipinagpaliban sa Huwebes, March 12.

Gayunman, sinabi ni PNP Officer-in-Charge Deputy Director General Leonardo Espina na ang importante sa ngayon ay lumabas ang totoong nangyari mula umpisa hanggang sa huli noong araw na mangyari ang madugong bakbakan sa pagitan ng PNP-SAF, BIFF at MILF.

“Tinggin ko hindi lahat masa-satisfy diyan,” saad nito.

Idinagdag pa ni Espina na anoman ang laman ng isusumiteng report ng BOI ay tiwala sila dito dahil alam nilang pinaglaanan ito ng sapat na panahon.

Ang isusumiteng report ay agad ipadadala ni Espina kay Department of the Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

“Hindi po ako dahil tatawid lang po sa akin yan, yung purposes ng passing thru the chain of command that will be submitted to secretary who ordered and organized,” anang heneral.

Samantala, muli namang nilinaw ni Espina na wala silang gag order kay dating SAF chief Director Getulio Napeñas upang hindi magpa-interview sa media.

Kasunod ito ng pahayag ni Atty. Vitaliano Aguirre, ang legal counsel ni Napeñas na pinagbawalan ng pamunuan ng PNP ang kanyang kliyente na magpa-interview sa media.

“Wala po tayong ganon, it is up for one discernment whether he should talk or not,” saad pa ni Espina.

(Lea Ylagan / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481