Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Forum tungkol sa West Philippine Sea, isasagawa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa

$
0
0

FILE PHOTO: West Philippine Sea (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng multi-sectoral forum tungkol sa West Philippine Sea ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ngayong 2015.

Nitong Martes ay sinimulan na ng DFA at Philippine Information Agency (PIA) ang information drive sa Cebu, kung saan mahigit isang daang mga estudyante, national at local government unit representatives, uniformed personnel at mga miyembro ng media ang dumalo.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose, layon ng aktibidad na mabigyang kaalaman ang iba’t ibang sektor, at makuha ang suporta ng ating mga kababayan sa mga polisiya ng Philippine government kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Jose na mahalagang malaman ng mga Pilipino ang usapin sa West Philippine Sea dispute at ang aggressive behavior ng China rito.

Paliwanag nito, bago ang taong 2009 ay tahimik na namumuhay ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya, hanggang sa inilabas ng China ang 9-dashed line map nito na nagpapakita ng pag-angkin sa buong West Philippine Sea.

“China’s claim has been excessive, expansive and no basis under the United Nations Convention on the Law of the Sea or UNCLOS,” pahayag ni Jose sa kanyang ipinadalang statement sa media.

Ilang larawan na rin ang nakuha ng DFA at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng reclamation activities ng China sa mga reef sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Jose, bukod sa national interest, malaki rin ang epekto ng isyu sa West Philippine Sea sa seguridad at ekonomiya ng bansa.

Sa unang quarter ng taong 2016, umaasa ang DFA na mailalabas na ng Netherlands-based arbitral tribunal ang ruling nito sa inihaing protesta ng Pilipinas laban sa China. (Bianca Dava / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481