MANILA, Philippines — Nananatiling mataas ang approval at trust ratings nina president Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay.
Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 73-porsyento ang approval rating ng pangulo habang 78 naman ang nakuha ni Binay.
77 percent ang nakuhang trust rating ni Pangulong Aquino, habang 78 percent ang kay Binay.
44 percent naman ang nakuhang approval rating ni noo’y senate president Juan Ponce Enrile habang nasa 38 percent ang kay House Speaker Feliciano Belmonte Junior.
Ang nasabing survey ay isinagawa mula Hunyo 20 hanggang Hulyo 4 sa 1,200 respondents sa buong bansa. (UNTV News)