Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNoy, nakakuha ng pinakamababang trust and approval ratings

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno S. Aquino III at the 110th commencement exercises of Philippine Military Academy Sinaglahi Class of 2015 at the Fajardo Grandstand, Borromeo Field, Fort General Gregorio del Pilar in Baguio City on Sunday (March 15). (Photo by Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Malaki ang ibinaba ng trust and approval ratings ni Pangulong Benigno Aquino III ayon sa March 2015 nationwide survey ng Pulse Asia.

Mula 59% noong November 2014, nakakuha lamang ng 38% na approval rating si Pangulong Aquino ngayong March 2015.

Bumaba ng 20% ang trust rating ng Pangulo na mula 56% noong nakaraang quarter ay pumalo lamang ito ngayon sa 36%.

14% naman ang itinaas ng mga nagsasabing walang tiwala sa Pangulo.

Sa kabila nito, nananatili namang mataas ang trust at approval ratings ni Pangulong Aquino sa Visayas at Mindanao region, gayundin sa “Class D” o sa masang Pilipino.

Ayon sa Pulse Asia, ito na ang pinakamababang naitalang approval at trust ratings ni Pangulong Aquino simula nang maluklok na pangulo ng bansa.

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa kalagitnaan ng mga mabibigat na isyu sa bansa tulad ng January 25 Mamasapano clash kung saan nasawi ang SAF 44.

Ayon kay Iloilo City Rep. Jerry Treñas, “Emotional ang tao ngayon dahil sa SAF 44. Pero ‘pag nakita na ng tao ang clearer answer magiging ok na.”

“Mataas pa rin ang rating kasi di naman sya nagne-negative. Hindi ito kiss of death,” saad naman ni Caloocan Rep. Egay Erice.

“Definitely naapektuhan nito si Pangulong Aquino, naapektuhan nito ang kanyang administrasyon, at di pa naman natatapos ang kwento o ang yugtong ito kaugnay ng Mamasapano sa magpapatuloy yan hangga’t di lumalabas ang buong katotohanan hanggang hindi nakakamit ang buong katotohanan,” pahayag ni Senador Francis Escudero.

Ayon kay PCOO Secretary Herminio Coloma Jr., kinikilala ng Malacañang ang naturang survey.

“These ratings reflect public sentiment arising from the PNP-SAF’s operations to capture international terror suspects in Mamasapano, Maguindanao. From the outset, the President has acknowledged his personal responsibility, as when he declared on February 6 in a message televised nationwide message.”

Ayon kay Coloma, patuloy silang magpapaliwanag kaugnay ng Mamasapano incident.

“Kaya nga po patuloy pa rin naman ang pagpapaliwanag, ang pagbibigay ng eksplanasyon duon sa mga aspeto ng naganap kung saan ay maraming agam-agad.” (Nel Maribojoc / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481