UNTV GEOWEATHER CENTER (03/18/15) – Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyog “Betty” na namatan ng PAGASA sa layong 1,190km sa Silangan ng Casiguran, Aurora kaninang 4am.
Humina ito sa kategoryang Tropical Depression na taglay ang lakas ng hangin na 55kph at kumikilos ng West Northwest sa bilis na 17kph.
Ayon sa weather agency, wala parin itong direkang epekto sa bansa ay malaki ang posibilidad na maging Low Pressure Area na lamang ito habang papalapit sa Luzon.
Sa pagtaya ng PAGASA, ang buong bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.02AM
SUNSET – 6.07PM