UNTV GEOWEATHER CENTER (03/20/15) – Papalapit na sa bansa ang isang Low Pressure Area (LPA) na namataaan ng PAGASA sa layong 600km sa Silangan ng Infanta, Quezon.
Sa forecast ng weather agency, makararanas ng mahina hangggang sa katamtamang pag-ulan ang Bicol region, CALABARZON at lalawigan ng Mindoro.
Ang Metro Manila naman at iba pang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog.
Tinataya ng PAGASA na dadaan sa bansa ang LPA kaya’t may posibilidad na makaranas din ng pag-ulan bukas ang Central Luzon at National Capital Region.
Ang LPA na ito ay ang huminang bagyong “Betty” na pangalawang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa taong ito. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.01AM
SUNSET – 6.07PM