Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Posibleng epekto ng territorial dispute sa West Philippine Sea dapat paghandaan ng mga Pilipino ayon sa isang UP professor

$
0
0

FILE PHOTO: West Philippine Sea (UNTV News)

MANILA, Philippines – Limitado ang magagawa ng bansa pagdating sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Professor Jay Batongbacal, dalawa lang ang maaaring gawin ng bansa.

Una, hayaang umusad ang kaso ng Pilipinas sa arbitral tribunal. Pangalawa, paghandaan anuman ang magiging resulta nito.

“We need to prepare for what happens after that conclusion,” ani Prof. Batongbacal

Subalit, ayon kay Professor Batongbacal, mahalaga munang magkaisa ang mga Pilipino at magtiwala sa sariling pamahalaan upang pagtiwalaan din naman ng ibang bansa.

Aniya, kung may mga usaping panloob na hindi mapagkaisahan at maresolba, maaapektuhan nito ang pakikipagkasundo at ugnayang panlabas.

“If in the first place, if our people are really fragmented, each camp has different opinions, then we should not be going out and making agreements with anyone else. Internally pa lang may problema, that will only lead to instability and disagreements,” paliwanag ni Prof. Batongbacal.

Ayon naman sa Department of National Defense Spokesperson Peter Paul Galvez, tuluy-tuloy din ang pag-momonitor ng Armed Forces of the Philippines sa mga pangyayari sa teritoryo ng bansa.

Pinapaigting din ng DND ang capability development ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Handa ang mga sundalong tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa Pilipinas anuman ang kapasidad at equipment ng mga sundalo.

Subalit, ani Galvez, ang option ng pamahalaan ay daanin sa mapayapaang pamamaraan ang usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

At mas malaki ang maitutulong ng mga mamamayan kung makikipagtulungan at magtitiwala sa pamahalaan.

“Magtulong-tulong tayo na palakasin ang ating gobyerno, palakasin ang ating ekonomiya… at magtiwala sa ating gobyerno,” ang panawagan ni Department of National Defense Spokesperson Peter Paul Galvez.

(ROSALIE COZ / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481