Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Presyo ng bigas, bahagyang bumaba – NFA

$
0
0

Isang tindahan ng bigas sa Nepa-Q Mart (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sa pag-iikot ng National Food Authority sa iba’t-ibang lugar sa bansa, napag-alaman nitong bumaba ng P2 ang kada kilo ng commercial rice.

Sa Q-Mart sa Quezon City, nasa P36 ang pinakamababang commercial rice.

Ayon kay Christopher Ramos, tindero ng bigas, dalawang piso ang kanilang ibinaba sa bawat kilo ng bigas.

Subalit hindi pa rin nito matatapatan ang presyo ng well milled rice ng NFA na nasa P32 lamang ang kada kilo.

Iniuugnay ito ng ahensya sa maayos na distribusyon ng NFA rice sa merkado at ang mababang bilihan ng palay sa mga magsasaka.

“Nag-settle down yung prices kasi last year medyo mataas talaga ang pamimili ng mga traders sa palay because of speculation, iniisip nila na maaaring tumaas pa ng tumaas ang presyo. So hindi nangyari therefore bumalik ulit dun sa level na dati,” pahayag ni Angel Imperial Jr., tagapagsalita ng NFA.

Malaking tulong kay Aling Luz ang NFA rice dahil 4 na kilo lamang kada araw ang binibili niya upang mapakain ang kanyang limang anak, mga asawa nito at kanyang mga apo.

Hindi naman aniya nagkakaiba ang lasa kumpara sa commercial rice.

Kada araw ay kumukunsumo ng 76,000 bags ng NFA rice ang buong bansa, habang nasa 620,000 bags naman ang demand sa loob ng isang araw.

Sa unang bahagi ng taon ay umangkat ng 500,000 metriko toneladang bigas ang bansa mula sa Thailand at Vietnam.

Ayon sa NFA, magdedepende pa sa ani sa ikatlong bahagi ng taon kung madaragdagan pa ito.

Unti-unti namang binabayaran ng ahensya ang utang nito na umabot sa P150-M na naipon dahil sa pagbibigay ng subsidiya at iba pang gastusin. (Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481