Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Motorcycle rider na nabangga ng delivery truck, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isang motorista na naaksidente nitong Lunes ng gabi. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na nasaktan matapos mabangga ng delivery truck sa Barangay Roxas District, Quezon Avenue, bandang ala-6 ng gabi nitong Lunes.

Naabutan pa ng News and Rescue Team na nakahandusay sa kalsada ang motorcycle rider na kinilalang si Benedict Garcia, 28 anyos, nakatira sa Barangay Tatalon sa naturang lungsod.

Namamaga ang kanang tuhod at idinadaing ni Garcia ang kaliwang paa na kaagad namang nilapatan ng pang-unang lunas ng grupo.

Ayon kay Garcia, binabagtas nito ang kahabaan ng Quezon Avenue at nasa kanang bahagi naman ang truck nang bigla itong lumiko pakaliwa upang mag U-turn.

Dahil dito, nahagip ng truck ang likurang bahagi ng kanyang motorsiklo.

Depensa naman ng driver ng truck na kinilalang si Alfredo Peiros, maling lane ang dinaanan ng motorsiklo.

“Didiretso pala siya. dapat hindi siya pumasok sa kaliwa kaya nangyari sumabit siya sa akin, yun di niya makontrol ang manibela, matulin pa siya,” saad ni Peiros.

Matapos bigyan ng first aid ay inihatid ng grupo ang biktima sa United Doctors Medical Center. (Reynante Ponte / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


INUMAN QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.