Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kongresista, personal na hihikayatin ang Canada na kunin ang itinapon na toxic waste sa Pilipinas

$
0
0

FILE IMAGE: Ang isa sa mga container van na mula sa Canada na kinakikitaan ng mga pagtagas mula sa mga toxic waste na laman nito. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tatlong taon nang nakatambak sa pier ng Maynila ang 50 container van na naglalaman ng mga medical at hospital waste mula sa bansang Canada.

Sa tagal, nabubulok na ang laman nito at ayon sa mga environmental group ay delikado ito sa kalusugan ng publiko.

Sa pagdinig ng kamara ngayong Huwebes, inimbitahan ng House Committee on Ecology si Canadian Ambassador Neil Reeder upang pagpaliwanagin subalit hindi ito sumipot.

Kinuwestiyon naman ni ANG NARS Party-list Representative Leah S. Paquiz ang pahayag ng DENR na nagsasabing hindi delikado ang mga nasabing basura.

“Sinabi ng DENR na hindi naman ito toxic at hindi hazardous na hindi dapat kasi parang sampal yun sa ating agency,” saad nito. “Bilang isang agency, tayo ang nag-iingat ng environment at health of our people.”

Sa sulat na ipinadala ng Canadian Embassy noong March 10 sa grupo, pinanghawakan nito ang sinabi ng DENR na hindi ito maituturing na hazardous waste.

At ibinibigay na nito sa DENR ang pagpapaliwanag ukol dito.

Dahil dito, pinaplano na ni Paquiz na personal na magtungo sa Canada upang pakiusapan na kunin na nito ang mga basura.

“We said that if this will not be given back to Canada then we have to talk to them parliament to parliament,” saad ng kongresista.

Ayon sa datos ng mga environmental group, nasa P76-million na ang nagagastos ng gobyerno para sa pag-disinfect sa mga basura.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Canada upang maibalik ang mga container.

Sa ngayon ay ilang kaso na ang isinampa ng DOJ sa importer ng container dahil sa misdeclaration. (Grace Casin / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481