Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

5 matataas na opisyal, bigong makakuha ng mataas na approval ratings sa Pulse Asia Survey

$
0
0

Latest Pulse Asia Survey on Approval Ratings

MANILA, Philippines – Sa limang pinakamataas na opisyal sa bansa, si Senate President Franklin Drilon ang may pinakamataas na approval ratings, batay sa latest survey ng Pulse Asia.

Mula sa 47% noong November 2014, bahagya itong umangat sa 49% ngayong March 2015.

Habang sa kabila naman ng kaliwa’t-kanang isyu ng korapsyon na isinasangkot, si Vice President Jejomar Binay, hindi naman halos nagbago ang kanyang approval ratings.

46% ang approval rating ni Binay ngayong first quarter; mataas lamang ng isang porsiyento noong last quarter ng 2014 na 45%.

Bumaba naman ng pitong porsiyento ang approval ratings ni House Speaker Feliciano Belmonte ngayong first quarter ng 2015, mula sa 34%, ngayon ay bumaba ito sa 27%.

Maging si Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ay nakakuha rin ng mas mababang approval ratings. Nasa 29% lamang ang nakuha ni Sereno ngayong first quarter na dati ay nasa 37%.

Una nang napabalita na malaki ang ibinaba sa approval ratings ni Pangulong Aquino sa unang bahagi ng 2015. Ang dating 59% ngayon ay nasa 38 % na lamang.

Bukod sa approval ratings ay bumaba rin ng 20 porsiyento ang trust rating ng Pangulo ngayong first quarter ng taon.

Mula sa 56% noong November 2014, ngayon ay nasa 36% na lamang.

Nasa 42% naman ang trust rating na nakuha ni Binay, 44% kay Drilon, 23% kay Belmonte at 27% kay Sereno.

Nangako naman si Senate President Franklin Drilon na ipagpapatuloy ang napasimulang trabaho at pagbubutihin pa ang kanyang serbisyo sa sambayanang Pilipino.

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents, simula March 1 haggang March 7, 2015.

Ilang buwan matapos ang insidente sa Mamasapano Maguindanao, na ikinasawi ng 44 SAF troopers, 18 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at limang sibilyan. (Joan Nano / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481