Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Maysak, posibleng tumama sa Luzon sa weekend — PAGASA

$
0
0

PAGASA-DOST Satellite Image : ‘Maysak’ —  March 31, 2015 at 10am

UNTV GEOWEATHER CENTER (03/31/15) – Lalo pang lumakas ang bagyong “Maysak” (international name) habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ito ng PAGASA kaninang 4am sa layong 1,980km sa Silangan ng Northern Mindanao.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 165kph at pagbugso na aabot sa 200kph.

Kumikilos ito pa-West Northwest sa bilis na 22kph. Bukas ay posibleng pumasok na ito sa PAR at papangalanan itong Chedeng.

Ayon sa weather agency, malaki ang posibilidad na sa Sabado o Linggo ay tumama ito sa Luzon subalit bago pa man ito mag-landfall ay bahagya itong hihina.

Sa ngayon ay maulap ang papawirin ng CARAGA, Northern Mindanao at Davao region kung saan mararanasan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Bahagyang maulap naman ang papawirin sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region habang sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas din ng mga biglaan o papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog. (Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481