Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Maysak, lalo pang lumakas habang inaasahang papasok sa PAR mamayang gabi o bukas

$
0
0

DOST-PAGASA Satellite Image

UNTV GEOWEATHER CENTER (04/01/15) – Patuloy ang paglakas ng bagyong Maysak (international name) habang papalapit ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ito ng PAGASA kaninang 4am sa layong 1,410km sa Silangan ng Sugirao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 215kph at pagbugso na aabot na sa 250kph.

Kumikilos ito pa-West Northwest sa bilis na 17kph.

Hindi parin mararamdaman ito sa bansa ngayon subalit mamayang gabi o bukas ng umaga ay posibleng pumasok na ito sa PAR at papangalanan itong Chedeng.

Sa pagtaya ng weather agency sa loob ng 24 na oras ay maaaring humina ang bagyo subalit may posibilidad na ito ay tumama o mag-landfall sa Luzon sa Sabado o Linggo.

Ngayong araw ay makararanas na maaliwalas na lagay ng panahon ang malaking bahagi ng bansa lalo na sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera subalit may posibilidad pa rin ng mga biglaan pagulan o thunderstorms. (Rey Pelayo /UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481