Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Website ng Philippine Coast Guard, na-hack

$
0
0
"This Account Has Been Suspended" ang makikita sa pagbisita sa website ng Philippine Coast Guard na www.coastguard.gov.ph

“This Account Has Been Suspended” ang makikita hanggang ngayon isinusulat ang balitang ito sa pagbisita sa website ng Philippine Coast Guard na www.coastguard.gov.ph

MANILA, Philippines – Hindi pa rin ma-access hanggang ngayon ang website ng Philippine Coast Guard (PCG) na iniulat na-hack ng hindi pa matukoy na grupo.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, weekend ng ma-infiltrate ng hackers ang www.coastguard.gov.ph.

“Last week nung nagkaroon ng insidente dito sa Balintang Channel bigla na lang din nawala yung website ng Philippine Coast Guard and prior to that we received some emails na meron nagki-criticize na dun sa nangyari at pagdating ng hapon nawala na talaga yung website niya.”

Dagdag pa ni Balilo, “hanggang ngayon ay tina-try namin na ma-workout na mai-up at bring it up to normal operation.”

Ayon sa PCG, wala namang masyadong malaking epekto kung mananatiling down ang kanilang website pero kailangan pa rin ito bilang information provider.

Aniya, sinisikap nilang bago mag-weekend ay maibalik na sa normal status ang website.

Kaugnay nito, iniulat ng Taiwan central news agency na hinack din ang ilan sa kanilang government sites.

Kabilang na rito ang Taipei Cultural Economic Office (TECO) website na naka-base dito sa Pilipinas. (Francis Rivera & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481