MANILA, Philippines – Hindi hadlang ang edad para sa mga pulitikong tumakbo para sa eleksyon ngayong taon.
Sa Camarines Sur, tinalo ng 23-anyos na si Luis Miguel “Migz” Villafuerte sa gubernatorial race ang kanyang lolo na si Luis Villafuerte Sr.
Siya na ang pinaka-batang gobernador sa kasaysayan ng Pilipinas.
Samantala, nakuha naman ng actor-comedian na si Jolo Revilla ang puwesto bilang pinaka-batang bise gobernador nang manalo sa vice gubernatorial race sa cavite. (UNTV News)