MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senate Pro Tempore Ralph Recto ang mataas na singil sa kuryente dahil sa utang ng National Power Corporation (NAPOCOR) na ipinapasa sa mga consumer.
Pangungunahan ng Senate Committee on Energy ang imbestigasyon sa layuning matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa presyong tama.
Ayon kay Recto, nananatiling isa sa may pinakamataas na presyo ng kuryente ang Pilipinas sa buong Asya kahit na labing tatlong taon na ang nakalipas mula nang aprubahan ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA. (UNTV News)