MANILA, Philippines — Nakahanda na ang bilang ng mga sundalong ipadadala sa Golan Heights na papalit sa mga naunang contingent doon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, sumailalim na sa kaukalang training ang mga sundalo na idedestino sa United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF).
Gayunman, sinabi ni Zagala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) pa rin ang magpapasiya kung magpapadala ng panibagong contingent ng bansa sa border ng Lebanon at Syria.
Mananatili na lamang ang kasalukuyang Filipino peacekeepers na nasa Golan Heights hanggang sa Agosto 11 kasunod ng ilang insidente ng pagdukot sa mga ito kamakailan. (UNTV News)