Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Tangkang pambobomba ng Abu Sayyaf sa Sulu, napigilan ng militar

$
0
0

AFP Public Affairs chief Lt. Col. Harold Cabunoc (UNTV News)

MANILA PHILIPPINES — Paghihiganti ang nakikitang dahilan ng Armed Forces of the Philippines sa pagtatanim ng isang bomba ng Abu Sayyaf Group malapit sa kampo ng militar sa Busbus, Jolo, Sulu.

Dakong alas-otso nitong umaga ng Biyernes nang matuklasan ng militar ang improvised explosive device malapit sa Kampo Teodulfo Bautista.

Mabilis naman itong na-diffuse ng mga sundalo.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Harold Cabunoc, nagbabalak na maghasik ng gulo ang bandidong rupo sa Sulu upang lituhin at pigilan ang militar na tumutugis sa kanila.

Ani Lt. Col. Cabunoc, “Gawain ng mga bandidong Abu Sayyaf bilang tangka sa mga pagbawi sa mga kasundaluhan dahil sa dami ng namatay sa kanilang hanay dahil sa engkwentrong naganap kahapon (Huwebes).”

Nagpaalala rin ang pamunuan ng joint task group Sulu sa mga sundalo sa mga banta ng Abu Sayyaf.

Sa ngayon ay umabot na sa siyam ang bilang ng nasawi samantalang 14 ang sugatan sa hanay ng Abu Sayyaf Group sa engkwentro sa Brgy. Gata, Talipao, Sulu.

Sa impormasyong natanggap ng militar, nasa 200 bandido ang nasa Talipao nitong Huwebes kaya agad na naglunsad ng operasyon ang mga militar.

Agad ding nagpadala ng karagdagang pwersa at attack helicopters ang militar at nagsagawa din ng artillery shelling.

Sa area na iyon sa Brgy. Gata, sinasabing nagkakampo ang Abu Sayyaf Group leader na si Radulan Sahiron.

Sa ulat ng AFP, halos kalahati ng buong pwersa ng ASG ang nasa Talipao, Sulu nitong Huwebes subalit hindi pa tiyak ang dahilan kung nagpaplano ang mga ito ng malawakang pag-atake o mayroon lamang pagdiriwang.

“Hindi pa natin malaman (kung) ano ang tunay na dahilan bakit nag-ipon-ipon sila sa dun sa Bug Bagsak area during that time.”

Ayon sa pahayag ni Lt. Col. Cabunoc, nasa anim na ang kumpirmadong bilang na bihag o kidnap victims ng bandidong grupo.

Bukod pa ito kay retired Marine Master Sergeant Renato Fernandez na binihag ng mga bandido noong nakalipas na linggo. (ROSALIE COZ / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481