MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng Philippine Federation of Bakers Association (PFBA) ang pagpapatupad ng dagdag sa presyo ng pang-masang pinoy tasty at pandesal.
Ayon sa bakers’ group, tatlong piso (P3.00) ang madaragdag sa presyo ng pinoy tasty loaf bread, habang uno-singkwenta naman (P1.50) sa isang supot na may sampung piraso ng pandesal.
Ang dagdag ay posibleng ipatupad sa Agosto 20 (Martes).
Humingi naman ng pang-unawa sa publiko ang grupo ng mga panadero sa dagdag-presyo sa layong mapanatili ang magandang kalidad ng kanilang tinapay.
Samantala, sinabi naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na susubukan nilang pigilan ang nakaambang pagtaas sa presyo.
Kinakausap na rin ng DTI ang flour millers upang itaas ang kalidad ng harinang pinoy upang magamit sa paggawa ng pang-masang tinapay.(UNTV News)