Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Honor code, binigyang diin ng PMA officials sa mga kadete

$
0
0

FILE PHOTO: Ang pagdalo ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagtatapos ng mga kadate sa Philippine Military Academy noong Marso 15, 2015. (Malacanang Photo Bureau)

BAGUIO CITY, Philippines — “The cadets do not lie, cheat, steal, nor tolerate those who do so.”

Ito ang Philippine Military Academy honor code na mahigpit na ipinatutupad at dapat na maisabuhay ng mga kadete, propesor, opisyal ng akademiya at ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Major Fara Candelaria PMA Public Information Officer pagkatapos na manumpa ang isang plebo sa akademiya, ang pangunahing itinuturo sa basic cadet training ang kahalagahan ng honor code at honor system na dapat yakapin at maunawaan ng isang kadete.

Pahayag ni Major Fara Candelaria, PMA Public Information Officer, “Ang importansiya po ng code is that, ito po yung instrument na tumutulong po sa development ng character ng ating kadete. Itinuturo sa kanila kung ano yung tama, kung ano yung mali at dapat panindigan nila regardless of what circumstances.”

Kaya naman sa muling pagsisimula ng klase sa PMA, muling binigyang diin ng PMA officials ang kahalagahan ng mahigpit na pagtupad ng mga kadete sa honor code.

Kasabay ito ng paglabas ng Korte Suprema nitong Martes ng pinal na desisyon hinggil sa pag-dismiss kay Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia sa Philippine Military Academy noong 2014 dahil sa paglabag sa honor code.

Naging kontrobersyal ang PMA code nang alisin sa naturang akademya si Cudia nang ito ay mapatunayang nagsinungaling sa rason nito sa pagkahuli sa pagpasok sa klase.

Nakasaad sa resolusyon ng Supreme Court na hindi nilabag ng PMA ang karapatan sa due process ni Cudia nang ipatupad nito ang patakaran sa pagdidisiplina dahil sa pagsisinungaling ni Cudia.

Ayon sa korte, ang PMA bilang pangunahing training at educational institution ng Armed Forces of the Philippines, ay may karapatan na ipairal ang rules and regulations gaya ng honor code at honor system.

Sa ngayon ay mayroong tatlong daan at apatnapu’t tatlong plebo na bubuo sa PMA Class of 2019 na kasalukuyang sumasailalim sa basic cadet training. (GRACE DOCTOLERO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481