Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kilos protesta para sa pagpapalaya sa mga political prisoner sa bansa, isinagawa

$
0
0

Ang pagprotesta ng grupong KARAPATAN at SELDA na humihiling sa pamahalaan na pakawalan ang mga political prisoners. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Sinabayan ng kilos-protesta ng mga grupong KARAPATAN at SELDA ang isinagawang pagdinig sa kaso ng mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon sa Camp Crame, Quezon City ngayong araw ng Miyerkules.

Nahaharap sa kasong kidnapping at illegal detention ang mag-asawang opisyal ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP.

Ipinanawagan ng mga nagprotesta ang pagpapalaya kina tiamzon at sa lahat ng mga political prisoner sa bansa.

Ayon kay Jigs Clamor, National Coordinator ng SELDA, mahalaga ito upang maisulong ang pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at NDFP.

“Nananawagan kaming palayain ang mga bilanggong pulitikal. Una sa lahat, ito po ay mga gawa-gawang kaso. Ikalawa, respetuhin ng gobyerno ang kasunduang nilagdaan, sa usapang pangkapayapaan sa NDF.”

Bukod dito, kinuwestiyon din ng grupo ang paglilipat ng pagdinig sa kaso ng mag-asawang Tiamzon sa Camp Crame mula sa Quezon City Hall of Justice.

Sa kanyang mosyon na inapurbahan ng Korte Suprema, idinahilan ni Executive Judge Fernando Sagun ang ilang oras na pagsuspinde sa pagdinig ng kaso ng mag-asawa sa Quezon City Hall of Justice noong nakaraang Oktubre, bunsod ng ginawang kilos protesta ng mga militanteng grupo.

“Hindi ito regular. Dapat ginagawa ang mga pagdinig sa RTC,” ani Clamor.

Dagdag pa nito, magpapatuloy ang kanilang paggiit sa kanilang mga karapatan at panawagan na mapalaya na ang mga bilanggong politikal.

Samantala, ikinatuwa naman ng abogado ng mga Tiamzon na si Atty. Rachelle Pastores ang pagkaka-dismiss sa kidnapping na inihain ni Sergeant John Jacob laban sa kanyang mga kliyente noong 1988.

“For the past 20 years, never sila nag-appear sa hearing of this case… when we moved for the dismissal of the case, judge granted our motion,” pahayag ni Atty. Pastores.

Ipagpapatuloy ang pagdinig sa similar na kasong inihain ng apat pang indibidwal laban sa mag-asawa sa Agosto 12, 2015. (BIANCA DAVA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481