Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Illegal drug activities sa mga kulungan sa bansa, mariing kinokondena ng PNP-AIDSOTF

$
0
0

Ang nakumpiskang baril at pinagbabawal na gamot mula sa convicted drug lord sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nadismaya ang PNP-Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) sa patuloy na bentahan ng drugs sa ilang kulungan sa bansa.

Ayon kay PNP-AIDSOTF Legal and Investigation Division Chief P/CINSP. Roque Merdegia, nakakababa ng moral na mismong ang mga jail guard ang tumutulong sa illegal drug transactions ng ilang mga detainees.

Ani Merdiga, “Nakaka-low moral dahil nahuli na ng pulis, pinaghirapan na ng pulis hulihin… Despite the life imprisonment sentence na ibinigay ng korte ay walang silbi pala dahil dire-diretso pala at walang tigil ang illegal drug trade sa loob at labas ng kulungan.”

Tulad na lamang aniya sa nangyari sa Sablayan Occidental Mindoro Penal Colony kung saan nahuli ng NBI si Ruben Tiu habang nagbebenta ng illegal drugs sa isang under cover agent.

Salaysay pa ng PNP-AIDSOTF Legal and Investigation Division chief, “Nakakagulat na yung guard mismo na suppossedly ay magbabantay sa kanya ay kasama sa illegal drug trade.”

Sinabi pa ni Merdegia na bunsod ng tuksong dulot ng illegal drugs dapat na isalang sa masusing evaluation ang ugali ng mga opisyal at jail guard.

Iminungkahi pa ng opisyal na dapat na ikulong sa iisang kulungan ang mga drug lord, alisan ng access sa telepono at regular na palitan ang mga nagbabantay upang maiwasan ang familiarization sa mga big time detainee.

Tiniyak naman ng DOJ na iimbestigahan nila ang insidente sa Sablayan Penal Colony upang matukoy kung sinu-sino ang dapat managot.

Bukod sa illegal drug transactions sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa at sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro, sinabi rin ng AIDSOTF na may namo-monitor din silang bentahan ng droga sa Davao at Zamboanga penal colony na maituturing na suntok sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs. (LEA YLAGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481