MANILA, Philippines — Hihintayin pa ng gobyerno ang report ng ibang ahensya bago magdesisyon kung magsasampa ng panibagong diplomatic protest sa pambobomba ng tubig gamit ang water cannon sa mga Filipino fisherman ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.
Pahayag ni DFA Spokesperson ASec. Charles Jose, “We are still waiting for the official report from the concerned government agency and once we get that we will determine the appropriate course of action to take.”
Kamakailan, kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang ginawang pagkanyon ng tubig sa isang mangingisdang Pilipino sa Panatag Shoal.
Inilabas rin ng AFP ang mga larawan na nagpapakita na mas lalong lumaki ang reclamation activity ng China sa West Philippine Seas.
Gayunpman, sinabi ng DFA na hindi muna magsasampa ng panibagong diplomatic protest ang Philippine government laban sa China at pinag-aaralan pa rin ng pamahalaan ang mga gagawing hakbang ukol sa ginagawang reclamation activities ng China.
Ani Jose, “Ito lang naman eh, pinapakita yung progress ng ginagawang reclamation. But since the beginning, since we learned of this reclamation work for this feature, we already filed a protest.”
“This time, no. But we will see, and we are not ruling out anything.”
Dagdag pa ni Jose, ang inihaing kaso ng bansa sa UN Arbitral Tribunal ay pang huli na kaugnay ng agawan sa teritoryo sa West PHL Sea.
Nilinaw din ni Jose na maritime entitlements lang ang hinihiling ng isinampang kaso, at hindi ang pagpapataw ng sanctions laban sa China.
“Yung sa clarification ano, pagka sinabing ‘you can only project maritime entitlements from your mainland’. So, in effect, that means walang basis yung nine dash claim ng China. So, that would invalidate the nine dash line. So, that is the biggest objective.” (DARLENE BASINGAN / UNTV News)