Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

VP Binay, umapela sa kanyang Indonesian counterpart na mapapababa ang sentensya ni Mary Jane Veloso

$
0
0

(LEFT-RIGHT) Indonesian Vice President Jusuf Kalla and Philippine Vice President Jejomar Binay (PHOTO CREDITS: Office of the Vice President)

INDONESIA — Inilapit na rin ni Vice President Jejomar Binay sa kanyang Indonesian counterpart ang apela para kay Mary Jane Veloso.

Sinamantala ng bise presidente ang bilateral meeting upang kausapin si Indonesian Vice President Jusuf Kalla at ipakiusap ang commutation of sentence para sa Filipina convict.

Sinabi nito kay Kalla na bagamat nirerespeto ng Pilipinas ang batas ng Indonesia, naniniwala itong hindi kabilang sa kahit anong drug syndicate si Veloso.

Binigyan din nito ang kopya ng sulat na ipinadala ni Pres. Aquino para kay Indonesian President Joko Widodo at ang humanitarian appeal mula naman sa pamilya Veloso. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481