Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Execution kay Mary Jane Veloso sa Indonesia, posibleng isagawa anomang oras sa Martes

$
0
0

Atty. Edre Olalia, abogado ni Mary Jane Veloso.

INDONESIA — “We saw Mary Jane inside the prison, and it is a bit amazing because we saw her happy and calm. She even made jokes, which gives strength to her father, mother and siblings. She has gained some weight because she has nothing to do inside (the prison), but overall she is stable. She insists that she is innocent and still hopes she can be saved,” ani Atty. Edre Olalia.

Ito ang ipinahayag ng abogado ni Mary Jane Veloso, ang Filipina drug convict na nasa death row sa Indonesia.

Nitong Linggo ay muling dumalaw ang pamilya ni Mary Jane sa maximum high security prison sa Nasu Kambangan island.

Sinabi ni Atty. Olalia, nakitaan ng kakaibang sigla si Mary Jane mula nang makita at makasama ang kaniyang pamilya.

Matatapos ang 72-hour public notice of execution sa April 28 sa ganap na ika lima ng umaga.

Inabisuhan na ng Attorney General’s Office ng Indonesia ang pito sa sampung drug convicts kabilang na si Veloso, na matapos ang alas-singko ng umaga ng Martes, anumang oras ay isasagawa na ang firing squad.

Ito ay kung hindi mapagbibigyan ang ikalawang apela ng pamahalaan ng Pilipinas para kay Mary Jane.

Dagdag pa ni Atty. Olalia, “So, it basically means, there will not be any executions before 5 o’clock (5 a.m. Local time (2200 GMT on April 27) on April 28, but of course the possibility of the execution will happen after the 5 o’clock deadline. But from our knowledge, the executions happen at12 midnight (1700GMT) according to their practice.”

Posibleng isunod na rin sa second batch ng execution ang mga nationals ng Brazil at Ghana habang may temporary postponement sa pagpatay sa French national dahil sa apela ng gobyerno nito. (MARJE NAVARRO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481