Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P200-million compensation sa pagkamatay ni Jennifer, hiniling ng Pamilya Laude

$
0
0

FILE PHOTO: Jeffrey Laude AKA “Jennifer”

OLONGAPO, Philippines — Humihiling ng hindi bababa 200 milyong pisong danyos ang Pamilya Laude sa kampo ni US-Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton dahil sa pagkakapatay sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Ayon sa kampo ng Pamilya Laude, ang 100 million pesos ay dahil sa paghihinagpis ng kanilang pamilya dahil sa hindi makataong pagpatay kay Jennifer at ang 100 million pesos naman ay upang maging halimbawa ito sa ibang dayuhan para hindi na maulit pa ang ganitong insidente.

Ayon sa kanila, marami silang ikinonsidera kaya hindi agad ipinahayag ang hinihinging halaga.

Sumalang nitong umaga ng Martes sa witness stand ang ina ni Jeffrey na si Julita at kapatid nito na si Marilou sa pagapapatuloy ng pagdinig sa kasong murder laban kay Pemberton.

Samantala, bago magsimula ang trial ay nagsagawa ng kilos-protesta ang taga suporta ng Pamilya Laude bilang pag-kundena sa VFA at sa EDCA.

Nitong Lunes naman ay sumalang ang dalawang miyembro ng SOCO na nag-examine sa crime scene kung saan pinatay si Jennifer.

Umaasa naman ang kampo ng Pamilya Laude na matatapos ang pagdinig bago sumapit ang isang taon na palugit para matapos ang kaso.

Umaasa rin ang mga ito na maipapanalo nila ang kaso laban kay Pemberton upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay. (JOSHUA ANTONIO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481