MANILA, Philippines — Ito kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng isang disco genre na entry ang A Song of Praise o ASOP Music Festival sa apat na taong pagsasahimpapawid nito.
Napaindak ng komposisyong ito ni Adrian Jed Jaranilla ang mga huradong sina hitmaker Trina Belamide, singer director Jeffrey Hidalgo at Doktor Musiko Mon del Rosario.
Pahayag ni Judge Trina Belamide, “As a whole, I like it. Nakaka-indak, danceable. It has a strong hook para sa akin.”
Para naman kay Jeffrey Hidalgo, “Maganda yung flow nya, nakakaindak and I’m a fan of unusual kinds of song.”
Komento naman ni Doktor Musiko Mon Del Rosario, “Itong kantang ‘to ang ayaw ko, Nahihirapan akong maghanap ng mali.”
Bumagay rin ang awit na ito na may titulong “Tanging Ikaw, Hesus” sa boses ng isa sa mga song bee na si Penelope Matanguihan.
Dalawang pop entry ang dinaig ng komposisyon ni Jed, ang “Tanggulan” ni Rommel Amolo na inawit ng band vocalist na si Mark Cordovales at “Keep the Faith” ni Hector Roy Sabarita na inawit naman ng isa sa Six Bomb Group na si Mikhaela Puzon. (ADJES CARREON / UNTV News)