Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagbuwag sa contractualization ng mga empleyado, ipinanawagan

$
0
0

OFW-Family Partylist Rep. Roy Señeres Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nilalabag ng contractualization scheme ang karapatan ng ilan nating kababayan nagtatrabaho sa ilalim nito.

Ito ang paggiit ni OFW Partylist Representative Roy Señeres.

Kaya naman isinusulong nito na tuluyan nang buwagin ang maling sistema sa pagpapatupad ng contractualization ng mga empleyado sa bansa.

Ani Señeres, “Ang Article 280 naman, idenefine ang regular employment kapag ang trabaho ng isang manggagawa katulad ng sales girl, or boy sa mga shopping ay neccessary desirable to the business of the shopping mall then they should be considered as regular and permanent. Hindi ba necessary ang trabaho ng sales girl sa mall. So, therefore, regular ang turing sa kanya hindi yung contractual, dahil pinapapirma sila. Kasi yung pinirmahan nila, that’s against the law. That’s against the constitution. That’s against the moral code.”

Bukod sa malalaking korporasyon, ilang ahensya ng gobyerno ay lumalabag rin umano sa Labor Code na nakasaad na dapat bigyan ng security tenure ang mga empleyado.

“The government itself must be the one to comply with the law. In other words, kahit natalo si Mayor, you stay on the job. Kasi mayroon security of tenure clause ang constitution,” dagdag pa ng kinatawan ng OFW Partylist.

Ngunit ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), base sa batas ay hindi maaaring buwagin ang contracting at subcontracting system ng bansa. At ang hindi lang daw pinapayagan ng batas ay ang tinatawag na labor only contracting tulad nang tinatawag na 555 scheme kung saan binibigyan lang ng 5 buwang kontrata ang mga empleyado at hindi na nabibigyan ng benefits.

Pahayag ng tagapagsalita ng DOLE na si Dir. Nicon Fameronag, “Ang contracting and subcontracting arrangements ay allowed by law but subject to regulations for the promotion of employment and promotion of the rights of workers, just and humane condition of work, just tenure self-organization and bargaining.”

“What is prohibited on the Labor Code is the labor only contracting.”

“Wala doon yung mga binaggit ko sa iyo, wala yung social security provision. All these basic rights provided for by the law para sa mga worker ay di pinagkakaloob.”

Aminado naman si Fameronag na may mga lumalabag sa naturang labor policy ng bansa, ngunit nireresolba naman daw ito ng DOLE. Sa katunayan ay naglabas na ng kautusan ang ahensya na naglilinaw sa kung ano patakaran sa contractualization. Dahil dito, nabawasan na rin ang mga na lumalabag sa labor laws ng bansa.

Sa issue naman ng job order ng mga empleyado ng gobyerno, patuloy na itong nireresolba ng pamahalaan.

Sa mga nagnanais naman na buwagin ng tuluyan ang contractualization, dapat ay amyendahan ng mga mambabatas ang labor laws ng bansa na nagpapahintulot ng contractualization.

Panawagan naman ni Señeres sa publiko na sa susunod na eleksyon ay pumili ng presidenteng may plataporma na buwagin ang contractualization sa bansa, upang mabawasan ang paglabag sa karapatan ng mga Pilipino manggagawa. (DARLENE BASINGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481