TORONTO — Ibinahagi ng ating mga kababayan ang kanilang mga pananaw sa mga magagandang pangyayaring inilahad ng pangulo sa pakikipag-usap nito sa mga Filipino community sa Chicago at Canada
Pahayag ng Toronto immigrant na si George Poblete, “Mahusay at binibigay niya yung totoong nangyayari, yung nangyayari ngayon which is something different you know. You hear so many things in the news but it’s different when you are hearing it directly from him.”
Para naman sa isang Fil-Am sa Chicago, “Before ang pangit ng image ng Philipines that is why parang hesitant kaming umuwi dahil bad ang publicity. Pero ngayon dahil sa sinabi nya parang na inspire kami, at nagkaron kami ng bagong pag-asa na itong time na ito ay maganda ang pagbabago sa Piipinas.
Sabi naman ni Rowena Reodica “We were very inspired by it. I was so focused and it was really great.”
Samantala kabilang sa mga ibinahagi ng pangulo ang ang tungkol sa mga container van na umano’y naglalaman ng hazardous material na galing Canada.
Sa ngayon umano ay nagsasagawa ang Bureau of Customs ng inventory at documentation sa shipment na gagamiting ebidensya laban sa akusado.
Nasampahan na rin ng criminal charges ang importer ng naturang shipment na Chronic Plastics at maging ang broker nito.
Ayon pa sa pangulo hinihintay na lamang nila ang court order upang simulan na ang processing at disposal ng mga basura na hindi makakasama sa publiko.
Aabot sa limampung containers na may lulan ng basura ang ipinuslit sa Pilipinas mula sa Canada noong June hanggang August 2013. (SHIELA REYES / UNTV News)